ENHANCED SSS PENSION LOAN PROGRAM (UPDATED 2020)
Lahat ng "SSS Retirement Pensioners" na makakatugon sa mga sumusunod na qualifying conditions ay maaaring mag apply sa PLP.
A. Walumpu't limang (85) taong gulang o pababa bago matapos ang term ng loan.
(Paalala: Ang pinagsamang term ng loan at edad ng pensioner sa petsa ng aplikasyon ay hindi dapat lalagpas ng walumpu't limang (85) taong gulang)
B. Wala dapat ikinakaltas sa buwanang pensiyon gaya ng (outstanding loan balance, benefit overpayment payable to SSS, at iba pa);
C. Wala dapat advance pension sa kahit na anong SSS Calamity Assistance Package; at
D. Tumatanggap na dapat ng regular na monthly pension for at least 1 month at ang status ng pension ay "ACTIVE".
(Paalala: kung ang retiree pensioner ay nag avail ng 18 months advanced pension, dapat ay tumatanggap na siya ng monthly pension for at least 1month)
Ang maaaring maloan ay nakadepende sa buwanang pension o Basic Monthly Pension (BMP) kasama ang isang libong piso (P1,000.00) na karagdagang benepisyo, ngunit hindi kasama ang Dependent's Pension (kung mayroon.)
Ang pensioner na magloloan ay maaaring mamili ng halagang uutangin, ngunit hindi hihigit sa P200,000.00
Ang pension loan ay may 10% interest kada taon, o 0.83% kada buwan, na kinukwenta sa lumiliit na balanse sa termino ng utang at parte ng buwanang bayad.
May dalawang paraan para mag apply ng Pension Loan Program.
1. Mag-apply gamit ang iyong my.sss account sa online.
- magpunta sa www.sss.gov.ph, piliin ang member portal at i-login ang iyong account.
- Kung ikaw ay kwalipikado mamimili, ka ng maaaring i-loan na amount at payment term. Kung hindi naman ay lalabas ang rason kung bakit hindi ka kwalipikado gaya ng imahe sa baba.
2. Mag-apply nang personal sa kahit saang SSS office at isumite ang mga sumusunod:
- Pinunuang Pension Loan Application Form
- Social Security (SS) Card or Unified Multi-purpose Identification (UMID) card; o
- ID card/dokumento na may lagda at litrato na mula sa ahensiya ng gobyerno at sumailalim sa biometric data capture process tulad ng, pero hindi limitado, sa mga sumusunod:
-Alien Certificate of Registration
-Clearance mula sa National Bureau of Investigation
-Driver's License
-Firearm Registration o Permit to Carry Firearms Outside of Residence
-Postal Id Card
-Passport
-Seafarer's Identification and Record Book
-Voter's ID
Kung wala ang ID card/dokumento na nakatala sa itaas, mag-prisinta at isumite ang kopya ng dalawang (2) iba pang ID card/dokumento na parehong may lagda at kahit isa na may litrato.
- hintayin ang resulta na gagawin ng SSS counter personnel kung ang miyembro ba ay eligible o hindi.
- kung ang miyembro ay eligible para mag-apply, papipiliin ito ng SSS counter personnel kung magkano ang gustong i-loan at kung anong payment term ang nais ng miyembro.
- suriing mabuti ang mga impormasyon at mga detalye ng utang sa computer screen na ipapakita ng SSS counter personnel
- kinakailangan ding magbigay ng Cash Card o Quick Card ng napiling bangko o i-enroll ang UMID card bilang ATM Card sa kiosk ng Union Bank of the Philippines sa branch (kung mayroon)
- wag kakalimutang pirmahan ang mga sumusunod:
-Pension Loan Application and Disclosure Statement (tatlong kopya)
-Photocopy ng balidong IDs (tatlong pirma)
-Punuan at Pirmahan ang "Supplemental Info Sheet" at "Terms and Condiation" ng napiling bangko
- Maghintay ng limang (5) working days mula sa pag-apruba ng pension loan bago i-withdraw ang pera sa cash card o UMID card
Ang aplikasyon ay ipu-proseso sa araw kung kailan nag-apply ang pensioner. Ang naaprubahang loan ay Iki-credit sa Cash Card o napiling bangko ng pensioner sa loob ng limang (5) araw mula sa araw ng aplikasyon.
Gaya ng salary loan ng mga SSS member, magsisimula din ang pagbabayad sa ikalawang buwan matapos maaprubahan ang pension loan. Halimvawa, kung naaprobahan ang pension loan sa buwan ng Septyembre
ang buwanang bayad ay ikakaltas sa pensiyon ng Disyembre.
Ito ay magiging sakop ng Credit Life Insurance (CLI), na siyang nagseseguro na mabayaran ang utang ng biglaang pagkamatay ng pensioner.
Ang 1% na kabayaran sa service fee ay hindi na pababayaran ng SSS at sa halip, ito ay gagamitin bilang subsidiya sa pagbabayad ng CLI ng pensioner.
Maaari ulit mag-apply ng panibagong pension loan ang isang pensioner pagkatapos mabayaran ang bauuan ng kasalukuyang utang.
Hindi, ang pag-apply ng pension loan ay dapat gawin nang personal ng pensioner na obligadong pumirma sa "Pension Loan Application and Disclosure Statement". Kung sa online naman mag-apply, maaaring gabayan ng kamag-anak ang pensioner sa pag-apply ng pension loan.
- Kung ang pensiyon ng Retirement Pensioner ay nakansela dahil siya ay bumalik sa pagtatrabaho o pagiging self-employed, ang balanse ng kanyang pension loan ay iko-convert bilang regular salary loan at papatawan ng mga kaukulang kundisyon bilang salary loan. Ang Retirement Pensioner ay may option din na bayaran ang balanse ng buo.
- Kung ang pensiyon ay nasuspindi sa hindi pagtugon sa Annual Confirmation of Pensioner (ACOP), ang balanse ng pension loan ay ibabawas kapag nakatugon na siya sa ACOP at nagsimula na muli ang kanyang buwanang pensiyon. Walang ibabawas na penelaty charge dito.
- Anumang kahilingan para sa re-adjudication o adjustment ng pension benefits ay tutugunan lamang matapos mabayaran ang nang buo ang pension loan.
Para sa mga karagdagang mga detalye, bumisita sa SSS branches o sa SSS Website (www.sss.gov.ph)
Comments
Post a Comment