How to Apply UMID Card (Unified Multi-Purpose Identification Card)


Ano nga ba ang UMID Card? 

Unified Multi-purpose Identification Card o madalas na tinatawan na UMID CARD.Eto ay isang four-in-one identification card na maaaring magamit ng mga Filipino upang makipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), PhilHealth, at PAGIBIG. Ang UMID ay tinatanggap din bilang isang valid ID sa karamihan ng mga transaksyon. Hindi katulad ng pagkuha ng isang pasaporte, ang isang aplikasyon ng UMID card ay mas simple at madali kahit para sa mga katatapos sa kolehiyo na nagsisimula sa kanilang unang trabaho.

Papaano mag-apply para makakuha ng UMID CARD?

Sa ngayon, wala pang balita o kahit na anong update kung magkakaroon ng proseso upang makakuha ng UMID ID Card sa online. Hindi pinapayagan ang mga proxy o kinatawan sa pagkuha nito. Kailangan mong mag-apply ng personal sa anumang tanggapan ng SSS o GSIS. Kailangan personal kang mag-apply  upang makuha ang iyong larawan, digital na lagda, at mga fingerprint na kuha

Suspended din ang ID Capturing ng SSS at GSIS hanggang may pandemic at walang balita kung kaylan ulit ito magpapatuloy.

Ano ang mga requirements upang makakuha ng UMID CARD?

Ang UMID card ay walang bayad para sa mga unang aplikante na makakatugon sa mga pamantayang ito:
  • No existing SSS ID or UMID card
  • Paid at least one-month SSS contribution
  • Status of SSS number is "PERMANENT"
  • A valid date of coverage (the date you started as an active member per SSS records
Ang mga nais na baguhin o nawala ang kanilang dating SSS ID ay kailangang magbayad ng Php 200.00 nang direkta sa SSS kung saan mag-a-apply para sa isang UMID card.

Mga kinakailangan na dokumento:
  • Accomplished SSS UMID card application form o E-6 form
  • Original or certified true copy of any of the following:
        -baptismal Certificate or equivalent
        -driver’s license
        - passport
        -Professional Regulation Commission (PRC) card,
        -Seaman’s Book.
Kung wala kang id sa mga nabanggit sa taas, maari ka ding magpasa ng dalawang (2) IDs na dapat merong birth date ang isa nito.

5 steps upang makakuha ng UMID Card.

Step 1: Magdownload at i-fill out ang UMID card application form (E-6) o kumuha ng form sa SSS office na malapit sa inyong lugar.

Step 2: Ipasa ang fully filled out na UMID card application sa pinakamalapit na SSS office sa inyong lugar kasama ang dokumento na kinakailangan.

Step 3: Pagkatapos maberipika ang mga dokumentong iyong ipinasa, papupuntahin o papipilahin ka sa booth kung saan kukunan ka ng Picture, Electronic Signature at Finger Prints.

Step 4: Hintaying i-deliver ang UMID Card sa iyong address. 

Ipapadala ang UMID Card sa iyong permanent address at Kadalasang tumatagal ng isa (1) hanggang dalawang (2) buwan bago dumating ang UMID Card. 

Step 5: I-activate ang iyong UMID card.

Maaring i-activate ang iyong UMID Card sa SSS office kung saang merong Kiosk upang makapag verify ng mga hulog at status ng benefit o loan.

Paalala:
Kung nawala ang iyong UMID Card, kinakailangan mong magpagawa ng Affidavit of loss at magbayad ng P200.00 sa SSS.
Huwag din magentertain ng mga fixer na nag-aalok ng tulong sa Online. Ang pagpafile ng UMID card ay sa personal pa lamang at wala pang update kung magkakaruon ng application sa online.

Para sa mga karagdagang impormasyong tungkol sa SSS, maaaring bisitahin ang aking youtube channel.
Youtube Channel: https://www.youtube.com/watch?v=N0SSXn3fXuY

o magpunta sa pinaka malapit na SSS office sa inyong lugar o bisitahin ang official website ng SSS (www.sss.gov.ph)








Comments

  1. pano po pg wala pang in personal transaction like dto sa iloilo sss ngbbgay lng cla ng contact number pero pg tinawagan email then sobrang tgal ng sagot tpos ssvhin invalid.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po ata related sa post ang katangungan mo sir/maam.

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

SSS Salary Loan Terms and Status

SSS Number Temporary to Permanent (3 STEPS na dapat gawin)